Covid Update

PHAPI: Bagong COVID-19 alert level system, dapat ‘di nakalilito’

Dapat maging malinaw sa publiko kung ano ang pagkakaiba ng dating COVID-19 alert level system sa plano ngayon ng Department of Health na i-revise o baguhin ito.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, ang presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na kailangang masiguro ng DOH kung ano ang magiging coverage ng iba’t-ibang level systems na may kaugnayan sa covid-19, kung sakali mang ito ay ipatupad.

Dapat din aniyang maisama sa pinaplanong bagong alert level ang mga restrictions.

Ayon kay De Grano, iisa lamang naman ang minimithi ng bawat isa, ito ay ang patuloy na makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa huli, sinabi ng health official na sana raw ay hindi nakakalito lalo na sa publiko ang ipapatupad na bagong COVID-19 alert level.

Nabatid na batay sa anunsyo ng DOH, posibleng ihalintulad sa rainfall warnings ng PAGASA ang gagawing revision at magiging batayan ng COVID-19 alert level system sa bansa.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago