Philhealth 12 wala pang natatanggap na COVID 19 vaccine injury claim

KORONADAL CITY- WALA pang natatanggap na claim ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) Region 12 kaugnay sa COVID 19 vaccine injury package. Ito ang inihayag ni Philhealth 12 information officer Hannah Naanep.

Ayon kay Naanep na ibig sabihin nito ay wala pang namatay, nagkasakit o nagkaroon ng kapansanan dahil sa COVID 19 vaccine.

Napag-alaman na maaaring maka-avail ng P 100,000 na vaccine injury package ang mga Philhealth member na nagkaroon ng disability, na-ospital o namatay pagkatapos turukan ng COVID 19 vaccine.

Ang mga claims ay isinasailalim sa masusing evaluation at assessment ng Philhealth upang mapatunayan kung vaccine-related o hindi ang injury o pagkamatay ng isang Philhealth member.

Sa Soccsksargen region, mahigit 1 million na mga indibidwal na ang fully vaccinated laban sa COVID 19 batay sa datos ng Department of Health o DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *