Philippine Fisheries Development Authority magsasagawa ng inspeksyon sa Mercedes Fish Port kaugnay sa hiling ng LGU Mercedes na funding assistance

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng inspection at engineering survey ang Technical Services Department ng Philippine Fisheries Development Authority sa Mercedes Municipal Fish Port sa mga sususnod na araw.

Kaugnay ito sa hiling na funding assistance ng Lokal na Pamahalaan para sa rehabilitation ng nabanggit na fish port.

Kung maaala ay sumulat si Mayor Alexander Pajarillo noong September 2022 kay PFDA Officer In- Charge- General Manager Iris De Vera na humihiling ng pondo para sa expansion ng fish landing area at “bulungan” o trading hall gayundin ang pagsasaayos ng bubong na bahagyang nasira dahil sa lapit at exposure nito sa dagat.

Enero 31, 2023 naman ng matanggap ng Alkalde ang tugon ng PFDA at Inaasahan na darating ang mga naatasan mula sa Technical Services Department ng nasabing ahensya upang magsagawa ng inspection, engineering surveys at assessment.

Mababatid na isa ang Mercedes port sa pinagkukunan ng malaking revenue ng LGU noon pa man.

Nagpasalamat naman ang Alkalde sa positibong tugon ng PFDA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *