Phivolcs walang naitalang volcanic earthquake sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras

Walang naitalang volcanic earthquake sa Bulkang Mayon sa Albay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado sa nakalipas na 24 na oras.

Gayunpaman, nananatili sa Alert Level 2 o Increased Unrest ang estado ng bulkan batay sa inilabas na bulletin ng ahensiya.

Sinabi ng ahensya na ang bulkan ay nagtala ng moderate emission ng white steam-laden plumes sa nakalipas na 24 na oras.

Dahil dito inabisuhan ng PHIVOLCS ang publiko na patuloy na maging alerto dahil nakikitang mga shallow magmatic processes na posibleng magresulta sa phreatic o mas malalang magmatic eruptions.

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa anim na kilometrong permanent danger zone upang mabawasan ang mga panganib mula sa biglaang pagsabog, pagbagsak ng bato, at pagguho ng lupa

Noong Oktubre 1, ang sulfur dioxide emission ng bulkan ay nasa 391 tonelada bawat araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *