Local News

PHO pinaalalahanan ang mga sasama sa Diocesan Way of the Cross mamayang hapon na magsuot ng face mask

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Provincial Health Office (PHO) ang mga sasama sa Diocesan Way of the Cross mamayang hapon na magsuot ng facemask at gawin pa rin ang mga kinakailangang pag- iingat kontra COVID- 19.

Ito ay kahit wala nang naitatalang kaso sa ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte batay naman sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na pinapayagan naman talaga ngayon ang mass gathering lalo na at ito ay isang religious activity.

Gayunman pinaalalahanan ni Francisco ang mga sasama sa prusisyon na magsuot pa rin ng face mask para sa kanilang proteksyon.

Aminado ang doktor na sa mga ganitong aktibidad ay hindi naman daw talaga nasusunod ang social distancing kaya importante ang pagsusuot ng facemask para mayroon pa ring proteksyon.

“What is important is i- practice po natin even though na mayroon tayong mass gathering, kung pina- practice po natin yung basic health protocols natin yung mga pagsususot man lang ng facemask ano, so siguro para maiwasan po natin talaga yung sinasabi nating paghahawaan ng Covid natin ano, tapos yung paghuhugas ng kamay,” ani Francisco.

Wala ring nakikitang problema si Francisco kung ibabalik na ng simbahan ang tradisyon nitong pagpapahid ng abo sa noo na noong nakaraang dalawang taon ng pandemya ay hindi nagawa sa halip ay binubudbod lang sa ulo ng mananampalataya.

“Kung ang nagpapahid lang naman yung pari lang naman o yung kaniyang lay man so siguro wala namang masyadong sabihin natin na cross infection pagdating diyan sa pagpahid ng abo sa kanilang forehead ano, so basta pagkatapos siguro ang gawin maghugas ng kamay.”

Gayunman dini- discourage umano ng PHO ang mga wala pang bakuna na sumama sa prusisyon.

BNFM Daet

Recent Posts

GenSan dili pa makadeklara og ‘state of calamity’ dungan sa nasinatiang El Niño

WALA nakita sa mga opisyal ang pagpailawom sa GenSan sa state of calamity luyo sa…

3 mins ago

Pagpangawat sa menor de edad, sapon sa CCTV

DAKPAN ang menor de edad nga lalaki human na-track ang lokasyon sa usa ka cellphone…

5 mins ago

China – nakabantay sa joint maritime exercises ng PH, Amerika

Masusi umanong nakamasid ang China sa joint maritime exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.…

7 mins ago

Defense ministers ng PH, Japan, US, Australia – magpupulong sa Mayo

Ibinunyag ni Japanese Defense Minister Minoru Kihara na nakatakda siyang makipagpulong sa kanyang mga katapat…

22 mins ago

Alyansa ng Pilipinas sa Amerika sa WPS, pinaboran ng mahigit kalahati ng mga Pilipino

Hindi bababa sa 43% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-isa ng Pilipinas sa Amerika…

31 mins ago

Lalaki, sugatan matapos saksakin sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Barangay Mayuwi, Tayabas City nitong…

37 mins ago