Pila ng mga truck sa Matnog Port, umabot sa 300 dahil sa Shear Line

Mahigit 300 ang bilang ng mga truck na patawid ng Visayas ang nakapila ngayon sa Blue Lane ng Matnog Port simula kahapon.

Sa pahayag sa Brigada News ni Achilles Galindez, PPA Matnog Port Division Manager, dahil ito sa mabagal na vessels turn- around o ang biyahe paalis at pabalik ng mga barko sa Matnog dahil sa malalaking alon at malakas na hangin sa San Bernardino Strait na dulot ng shear line.

Nilinaw rin ni Galindez na walang suspension ng biyahe ng mga barko, nagkaroon lamang umano ng pagbagal ng biyahe dahil sa sama ng panahon.

Tuloy-tuloy rin aniya ang biyahe ng mga light vehicles, bus at mga delivery trucks na may dalang mga perishable goods. Ayon naman kay Ambeth Imperial, Head ng Blue Lane, kapag magiging normal na ang takbo ng mga barko ngayong araw ay madaling maubos na maitawid patungong Visayas ang mga truck na nasa pila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *