Pilipinas, tiniyak ang ligtas, matatag, at mapayapang Indo-Pacific Region

Patuloy ang hangarin ng Pilipinas na masiguro ang ligtas, matatag, at mapayapang Indo-Pacific Region.

Inihayag ito ni DND Secretary Gilbert Teodoro sa katatapos lang na multilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) na pinangunahan ng Pilipinas, Australia, Japan, at Estados Unidos sa West Philippine Sea.

Ayon kay Teodoro, sa pagbabago ng defense paradigms ng Pilipinas, mapapalakas pa nito ang kakayahan ng militar sa pamamagitan ng pakikipag alyansa sa iba pang bansa.

Binigyang-diin din ng opisyal ang pangangailangan na pangalagaan ng bansa ang kanyang teritoryo at karapatan sa ilalim ng international law, kasabay ng pagiging katuwang sa iba’t ibang bansa sa pagtiyak ng freedom of navigation, overflight, at security sa international waters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *