Pinakamaraming ‘successful blood donors’ naitala sa ginawang ‘Dugo para sa KaBrigada 2022’ ng Brigada News FM – Phil Red Cross Albay

LEGAZPI – Inilarawan ng Philippine Red Cross Albay na ang Brigada News FM Legazpi ang pinakamaraming ‘successful blood donors’ na naitala sa lalawigan ng Albay.

Ito ang kinumpirma ni Phil. Red Cross Albay Representative Nicole Malagueño sa ginawang ‘Dugo para sa Ka-Brigada 2022’ ng Brigada News FM.

Aniya, nakapagtala ang aktibidad ng 22 successful donors, at ito na ang pinakamaraming ‘successful donors’ ayon sa kanilang latest report ngayong taon. Samantala, Dinaluhan ng mahigit 80 indibidwal ang nasabing aktibidad katuwang ang Phil. Coast Guard, Phil. Navy, Phil. Air Force at marami pang walk-in donors ang nasabing aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *