Pioduran Port sa Albay mas naghigpit sa mga byaherong papuntang Masbate

LEGAZPI-Nagsimula na ang pagbawal sa pagpasok at paglabas sa lalawigan ng Masbate para sa mga di APOR o authorize persons Outside Residence noong Agosto 12.

Dahil bago makauwi sa Masbate dadaan muna ang mga byahero sa mga pangunahing Pantalan ng Bicol tulad sa Pioduran Port sa lalawigan ng Albay kung kaya mas naging alertado na ngayon ang mga lokal na otoridad.

Ayon Municipal Disater Risk Reductiona and Management Office Pioduran, mas naghigpit sila sa pantalan kung saan dumadaan ang mga byahero.

Ito ay matapos na aprobahan at epektibo na ang executive order ng Masbate hanggang Agosto 19.

Sa pagsisimula pa lamang ng nasabing order, 7 overseas Filipino Workers (OFWs) ang kanilang naharang at di napayagan makabyahe kung kaya tinulungan na lamang nilang makahanap ng hotel accomodotaions.

Aniya, ang hindi kasi APOR ang kanilang hinaharang at sila na mismo ang naghahanap ng mga hotel accomodations sa mga ito kung di makakauwi.

Dagdag pa nito, bago man makatawid ng karagatang sakop ng Albay, hinihingiian nila ito ng mga katibayan na sila ay APOR tulad ng Identification card, Travel Order kung meron man, Full vaccination mula sa COVID-19 ,dalawang linggo bago ang travel at Negative result ng RT-PCR Test o Antigen Test or Saliva Test.

Sa ngayon siniguro naman ng nasabing tanggapan na mahigpit nilang ipapatupad ang bagong kautusan kung kaya nanawagan na lamang sa publiko na antayin na lamang ang bagong abiso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *