Pitong bata, kabilang sa 13 kataong namatay sa stampede na naganap sa Madagascar Stadium

HINDI bababa sa 13 katao ang patay, kabilang na ang pitong bata, habang 107 naman ang sugatan sa nangyaring crowd stampede sa Barea stadium sa Madagascar, sentro ng Ananarvivo nitong Biyernes, Agosto 25.

Naganap ang stampede sa entrance ng stadium na may tinatayang 50, 000 na manonood para dumalo sa opening ceremony ng Indian Ocean Island Games.

Ayon sa pahayag ni Madagascar President Andry Rajoelina, na naroon rin sa nasabing seremonya, nagkaroon ng tulakan sa pinangyarihan ng stampede na naging sanhi ng kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima.

Samantala, sinagot naman ni Antsa Mirado, communications manager ng event, na ang napakaraming tao sa entrance ng stadium ang naging ugat sa nasabing insidente.

Posible naman na tumaas pa ang bilang ng mga biktima kaugnay sa pangyayari ayon yan mismo sa inilabas na pahayag ng Red Cross ng kanilang bansa. ### 𝗝𝗢𝗛𝗡𝗢𝗔𝗛 𝗠𝗔𝗘 𝗔. 𝗭𝗘𝗣𝗘𝗗𝗔, 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *