PMGen. Benjamin Acorda Jr. bagong PNP Chief

Hinirang si Police Major General Benjamin Acorda Jr. bilang bagong PNP Chief kapalit ni outgoing Police General Rodolfo Azurin Jr.

Si Azurin ay nakatakdang magretiro ngayong araw matapos ang halos apat na dekadang paninilbihan sa pambansang kapulisan.

Ang kapalit nitong si Acorda ay huling naitalaga bilang Intelligence Director at mula sa Philippine Military Academy o PMA Sambisig Class of 1991

Nagsilbi itong hepe ng Balungao, Sison, Bolinao at Sual Municipal Police Station sa Pangasinan bago naging Provincial Director ng Palawan Police Provincial Office mula 2014 hanggang 2016.

Naging Regional Director rin si Acorda ng Police Regional Office 10.

Ilan din sa mga hinawakan ng heneral ay ang pagiging chief of staff ng PNP Civil Security Group at panandaliang naging Director ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group na siyang humahabol sa mga tiwaling mga pulis.

Isa din si Acorda sa mga opisyal na nagsimulang magtatag ng PNP Anti Cybercrime Group kung saan siya kinilala ng pa munuan ng bansang China at Taiwan dahil sa mga operasyon kung saan naaresto ang daan-daang bilang ng mga Chinese at Taiwanese na sangkot sa cybercrimes.

Maninilbihan naman si Acorda bilang PNP chief sa loob ng mahigit pitong buwang hanggang sa nakatakdang nitong pagreretiro sa Desyembre 3, 2023 pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *