PNP Camarines Sur nakaalalay sa libo-libong mga motorista re: Peñafrancia Festival

NAGA CITY- Nakakalalay na ang pulisya sa libo-libong mga motorista na daraan sa Camarines Sur ngayong Peñafrancia Festival.

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways na simula kahapon  hanggang sa Sept. 11 at Sept. 13 hanggang Sept 18 ang mga sasakyan maliban sa mga 10 wheeler pataas na galing sa Albay patungo sa Maynila ay dapat na dumaan sa Nabua- Balatan Road patungo sa daang Maharlika.

Ang mga mula sa San Fernando area patungo sa Pili, Partido at Rinconada Area ay dumaan naman sa Minalabac- Milaor Road. Tiyak kase ang napakabigat na daloy ng trapiko at maagang road closure sa mga kalsadang malapit at daraanan ng Traslacion ngayong araw Sep. 8.

Sinabi sa Brigada News FM Naga  ni PNP Camarines Sur Police Provincial Director PCOL. Julius Caesar Domingo mayroong augmentation force na itinalaga sa Naga City at mayroon naman sa sa kani-kanilang bayan na kasama sa containment ring na nagmamantine ng seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *