PNP, dumistansya kaugnay sa panawagan na i-ban ang POGO sa bansa

‘Is it legal, or illegal?’

Ito ang nag-iisang tanong na mahalaga para sa Philippine National Police (PNP) ayon kay chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. sa gitna ng tila tug-of-war umano sa pagitan ng Malacañang at ilang mga senador kaugnay sa panawagan na i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Pero para kay Azurin, na sa panig ng PNP, magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga illegal POGOs, at patuloy din umano silang makikipag-ugnaya sa PAGCOR (Philippine Amusement Gaming Corporation) dahil may mga licensed at unlicensed POGOs.

Una nang sinabi ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nais niyang makakuha ng magandang dahilan para i-ban ang POGOs sa bansa.

Sa PNP, nagsagawa na sila ng crackdown sa illegal POGO operations, na sinimulan sa pamamagitan ng mandatory registration ng foreign POGO workers sa bansa, na kinabibilangan ng pagkuha ng police clearance.

Ang naturang hakbang ng PNP ay sa gitna ng mga kumpirmadong datos kaugnay sa tumataas na bilang ng mga criminal incidents na kinasasangkutan ng mga Chinese at iba pang foreign POGO workers sa Metro Manila, Central Luzon at Cavite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *