PNP hindi na pagbibigyan ang mga violators sa “No vaccine, No ride” policy sa susunod na linggo

Naging maayos ang pagpapatupad sa unang araw ng ‘vo vaccine, no ride’ policy sa buong National Capital Region ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ni PNP spokesperson PCol. Roderick Alba na lahat ng mga nahuli kahapon na lumabag sa naturang panuntunan ay pinagsabihan lamang.

Subalit sa susunod na linggo tiniyak ng PNP na mahigpit na nilang ipapatupad ang ‘ no vaccine, no ride ‘ policy sa mga pasahero.

Pinaalalahanan ni Alba ang publiko na laging dalhin ang mga vaccination card kapag lumalabas ng bahay.

Nagbabala naman ito sa sinumang magpapakita ng pekeng vaccination card na posibleng maharap sa mas mabigat na kaso katulad ng paglabag sa falsification of public documents at Republic Act 11332.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *