PNP HPG naghandog ng libreng meryenda sa mahigit kumulang 70 tricycle at pedicab driver

Naghandog ng libreng meryenda ang PNP Highway Patrol Group sa nasa humigit kumulang 70 tricycle at pedicab driver sa bayan ng Talisay noong Sabado.

Mainit na soup, toasted siopao at mineral water ang pumawi sa gutom ng mga nakatanggap ng libreng meryenda.

Katuwang ng “Guardians of the Highway” sa pagsasagawa ng aktibidad ang Municipal Traffic Transport Unit ng Lokal na Pamahalaan.

Bahagi ito ng programang Barangayanihan na proyekto ng PNP.

Ayon sa HPG, sa pamamagitan ng simpleng pagpapakita ng kabutihan ay mararamdaman ng mga kapus palad ang presensiya at pagkalinga ng kapulisan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Matatandaan na noong mga nakatalikod na buwan ay sunod- sunod ding naglunsad ng Community Pantry ang HPG na malaking tulong hindi lang sa transport sector kundi maging sa iba pang nabenepisyuhan ng proyekto.

Bukod dito may mga pagkakataon ding sinosorpresa ng HPG lalo na ang mga tricycle driver sa sentro ng Daet at inaabutan ng food packs.

At dahil sa patuloy na banta ng COVID- 19, ay mahigpit na ipinatutupad ang Health Protocols sa pagsasagawa ng aktibidad.

(Photo courtesy: PNP HPG)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *