PNP Maritime nagbabala sa mga nanghuhuli at nagbebenta ng mga buhay ilang

Nagbabala ang Olongapo City PNP Maritime sa mga indibidwal na nanghuhuli at nagbebenta ng mga buhay ilang.

Ito ay lalo na kung walang kaukulang permiso mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Alinsunod sa batas, ang mga mahuhuling nagbebenta nito ay maaaring maharap sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Nitong nakalipas na October 18 ay isang indibidwal ang inaresto ng Maritime katuwang ang OCPO Station 1 at CENRO Olongapo sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. West Bajac-Bajac.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang piraso ng Hedge Hog na nakasilid sa karton.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: PNP Maritime

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *