Breaking News

PNP may ‘persons of interest’ na sa pagpatay sa Brigada Group executive

Kinumpirma ng Philippine National Police na mayroon na silang persons of interest kaugnay sa pamamaril-patay kay Brigada Group of Companies chief of staff Yentez Quintoy.

Sa panayam ng Brigada News FM kay General Santos City Police Director Col. Guilbert Tuzon sinabi nitong may lumutang na witness at itinuro ang isang suspek na sinasabing may kinalaman sa pamamaslang.

Bagama’t tumanggi munang pangalanan, inihayag ni Tuzon na angulong ‘personal grudge’ ang tinitingnan nilang motibo sa kremin.

Naniniwala si Tuzon na mas mabibigyang-linaw pa ang kaso sa oras na mahuli na ang posibleng suspek na ngayon ay tinutugis na nang kanilang operatiba.

Kumbinsido naman si Tuzon na malaking tulong ang P1-Million reward money na inalok ng Brigada para lumutang ang suspek at mabilis na maresolba ng kaso. (LEY BAGUIO)

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago