PNP, pinalakas na ang human rights policies upang masugpo ang police brutality

Tiniyak ng Philippine National Police na hindi ito natutulog sa gawain ng mga pulis na nasasangkot sa pang-aabuso, pananakit at iba pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa 2024 proposed budget ng Department of Interior and Local Government at attached agencies ngayong araw, sinabi ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na pinaiigting nila ang paglilinis sa hanay ng pulisya upang maibalik ang tiwala ng taumbayan.

Nagpapatupad aniya sila ng mga programa at special courses na magpapalakas sa human rights awareness ng mga pulis.

Ibinida ni Acorda na patunay dito ang pagbaba ng kaso ng mga pulis na nasasangkot sa kalokohan kung saan 85 percent ang ibinagsak ngayong taon.

Bukod dito, sa pinakahuling OCTA Research Survey ay pumangatlo umano ang PNP sa dalawampu’t limang ahensyang pinagkakatiwalaan ng publiko.

Pero hindi kumbinsido ang Makabayan Bloc sa pagsisikap ng PNP dahil tila “trigger-happy” umano ang mga pulis at pinapatay agad ang mga biktima kaya hindi iginagalang ang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *