Top Stories

PNP, wala pa ring namo-monitor na papalit kay Joma Sison

Wala pa rin umanong malinaw na kapalit ang founder at chairperson ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria ‘Joma’ Sison – mag-iisang buwan na ang nakalipas mula nang ito ay pumanaw.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na wala pang tiyak na hahalili sa posisyong iniwan ni Sison sa grupo.

Sa ngayon, ang nakikita raw nila ay ang patuloy na ‘communicaiton breakdown’ sa sangay ng mga makakaliwang grupo.

Dahil dito, naniniwala ang PNP chief na maganda itong oportunidad para samantalahin ng mga otoridad ang pagwakas sa deka-dekadang insurhensiya ng grupo.

Samantala, iniulat din ni Azurin na mula nang pumanaw si Sison – wala na silang naitalang mga pag-atake o atrocities ng mga miyembro ng CPP at ang kanilang armadong sangay na New People’s Army (NPA).

Bago ang pulong balitaan kanina – una nang sinabi ng PNP na posibleng nasa tatlo hanggang limang personalidad ang maaaring pumalit bilang lider ng CPP-NPA.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Apostolic Nuncio to the Philippines, ipinagpasalamat ang pagtanggap ni Arsobispo Alarcon sa katungkulan

NAGA CITY- Galak ang nakita sa mukha ng mga lider ng simbahan sa bansa sa…

21 mins ago

DOTr, bibilhin ang mga lumang jeep sa Metro Manila na bigong mag-consolidate

Bibilhin na raw ng Department of Transportation (DOTr) ang mga lumang jeepney unit mula sa…

23 mins ago

105.1 Brigada News FM Manila, napabilang sa mga nominado sa 2024 Gandingan Awards

Isa sa mga nominando ang 105.1 Brigada News FM Manila sa "Most Development-Oriented FM Station"…

37 mins ago

Illegal vendors problema pa rin ng mga stall owners sa Naga City People’s Mall

NAGA CITY – Pinoproblema pa rin ng mga lehitimong negosyante sa Naga City People’s Mall…

38 mins ago

Senior Citizen gipusil patay sa wala mailhing suspek

Patay ang usa ka senior citizen homan gipusil sa wala mailhing suspetsado pasado alas 6…

52 mins ago

Mahigit 500 milyong pisong halaga ng infra projects, pakikinabangan ng mga kasundaluhan sa rehiyon

BNFM Bicol – Inaasahang mapapakinabangan na simula sa susunod na taon ang nasa mahigit kalahating…

2 hours ago