Editors Pick

Police harassment sa naulila ng nagpakamatay na onion farmers, pinaiimbestigahan na

Nagbigay na ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga regional at provincial offices nito na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y “harassment” ng ilang mga pulis sa mga magsasaka ng sibuyas sa Pangasinan.

Ayon sa ahensya, ipinag-utos na ni DILG Secretary Benhur Abalos sa DILG Region 1 at DILG Pangasinan na magsumite ng ulat tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng mga pulis sa Bayambang.

Dagdag ni Abalos, mataas ang respeto nila sa mga magsasaka sapagkat mahalaga ang papel na ginaganapan ng mga ito sa seguridad ng pagkain at maayos na nutrisyon sa bansa.

Dahil dito, asahan na raw na kaisa ang DILG sa adhikain ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., para sa sektor ng agrikultura, kasama na ang pagtutok sa mga programang ikauunlad at aalalay sa mga magsasaka.

Samantala, una nang naglatag ng order si Ilocos Police Regional Office (PRO-1) director BGen. John Chua sa PPO ng Pangasinan na imbestigahan ang insidente, at siniguro na rin ni Pangasinan Provincial Police Office (PPO) dir. Col. Jeff Fanged na susulong ang imbestigasyon na kinasangkutan ng kaniyang mga opisyal.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Mag live-in partner napalgang patay,suspek wala mailhi.

Patay ng napalgang ang mag-live in partner sa nataran sa ilang pinuy-anan pasado alas 12…

7 mins ago

Paggamit ng lumang barko ng China bilang mock target sa Balikatan exercises, ‘nagkataon lang – PH Navy

Tinawag na "coincidental" ang paggamit ng isang lumang barko ng China bilang mock target sa…

11 mins ago

2 Bagyo posibleng pumasok ngayong buwan ng Mayo

Isa hanggang dalawang tropical cyclone ang posibleng papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan…

36 mins ago

Arsobispo ng Maynila kasama sa mga nanguna sa installation ng bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY –Pinangunahan din ni His Eminence Arsobispo Jose F. Cardinal Advincula Jr.D.D. ng Manila…

44 mins ago

28 estudyante nahimatay dahil sa matinding init ng panahon

Hindi bababa sa 28 na estudyanye ang nahimatay dahil sa matinding init sa opening parade…

50 mins ago

Mala-‘free trial sa impiyerno’ na panahon – dapat nang solusyunan! – Rep. Manuel

Umapela si Kabataan party-list Representative Raoul Manuel sa gobyerno na gumawa na ng mga hakbang…

1 hour ago