Pondo para sa ASF vaccine rollout, pinamamadali na ng ilang mambabatas

Hinihimok ni Camerines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte ang National Government na mapadali ang paglabas ng budyet para sa pagbili ng African Swine Fever (ASF) vaccines sa Vietnam.

Posibleng mangyari ito kung idedeklara ng State of Calamity sa mga lugar na apektado ng ASF.

Ayon kay Villafuerte, dapat na ma-kredit ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang nationwide inoculation drive para sa mga domestic pigs kung sakaling ma-aprobado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang nasabing viral disease ay aabot ng 100 porsiyento sa mga domestic o ligaw na baboy na magdudulot ng pagkamatay nila.

Gayunpaman, isa ito sa makakatulong na mawakasan ang pagkakaroon ng mababang suplay ng baboy kung kaya’t malaking importansiya na mapadali ang pondo upang muling makabangon ang ASF at ang bansa.//MKCJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *