Posd cauayan city, mahigpit na tutukan ang poitn to point na byahe sa oras na mag-umpisa na sa lunsod

Mahigpit na tutukan ng Public Order and Safety Division Cauayan City ang byahe ng mga bus sa oras na magsimula na ang point to point route sa lunsod bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay POSD Chief Ret. Col. Pilarito Maillillin, ito ay dahil wala nang checkpoint sa mga border at dire-diretso na ang mga byahero.

Aniya, bagaman hindi natuloy ang pagsasagawa sana ng dry run kahapon sa SM Terminal at hindi pa tiyak kung kalian ang pag-uumpisa ng byahe ay posible umanong sa Enero na sa susunod na taon ito maguumpisa.

Isa umanong magandang development ang pagpayag na sa naturang sistema dahil magkakaroon na ng transportasyon ang publiko patungong Metro Manila mula Cauayan City at vice versa.

Paliwanag niya, sa oras na magsimula na ang point to point na byahe ay hindi pwedeng bumaba at magkarga ang bus ng mga pasahero kung saan-saan.

Kung magpupumilit aniya ang mga pasahero na bumaba sa hindi itinalagang unloading area ay dadalhin ang mga ito sa Police Station para maimbestigahan at masuri ng DOH.

Habang maaari namang tanggalan ng prangkisa ang mga bus na hindi susunod sa nasabing mga panuntunan.

Kailangan namag magprisinta ang mga mananakay ang mga requirements gaya ng QR Code at vaccination card.

Alinsunod din sa inilabas na guidelines ng Isabela PIO, kailangang magpakita ng negative result ng antigen test na valid sa 72 hours ang mga hindi pa nakakumpleto ng bakuna.

Sinabi pa ni POSD Chief na sa Aritao, Nueva Vizcaya lamang ang stop over subalit mahigpit din ang pagpapatupad ng health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *