Postponement ng Barangay at SK posibleng unang panukalng batas na tatalakayin at ipasa sa kongreso- 2D Albay representative

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na posibleng ang panukalang postponement ng Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections ang unang panukalang batas na talakayin at ipasa ng Kongreso.

Ayon kay Salceda, malaking matitipid ng gobyerno kung ipagpapaliban muna ang BSK elections na nakatakdang isagawa sa December 5, 2022.

Aabot sa P8.11 billion kasi angang halagang matitipid dito kung saan maaari pa aniyang gamitin sa nagpapatuloy na COVID-19 response at iba pang kinakailangang pang-ayuda.

Suportado rin nito ang pagpapalawig sa termino ng BSK officials ng hanggang limang taon.

Sinabi ng kongresista, sapat naman na para sa mambabatas na iurong ang halalan para sa BSK sa Mayo ng susunod na taon.

Sa ngayon ay nasa 41 panukalang batas ang inihain ngayon sa Kamara para sa pagpapaliban ng naturang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *