PPCRV, hinimok ang publiko na patuloy na magtiwala sa Comelec at Smartmatic sa gitna ng isyu sa breach

Hinimok ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang publiko na patuloy na magtiwala sa Commission on Elections (Comelec) at sa poll technology provider na Smartmatic sa gitna ng isyu sa umano’y data breach.

Sinabi ni PPCRV national trustee and director for voters education and volunteers mobilization Dr. Arwin Serrano na meron talagang mga tao na nais gumawa ng kalituhan upang pigilan ang halalan.

Iginiit ni Serrano na mawawalan ng saysay ang paghahanda at ang pagbibigay halaga sa nalalapit na eleksyon kung mawawalan ng tiwala ang publiko.

Ayon kay Serrano, ang data breach isyu ay idinulot ng isang dating empleyado ng poll technology provider.

Pero nilinaw niya na tanging mga personal files ng ilang Comelec officials at ng kanilang personal engagement activities kasama ang Smartmatic ang nahawakang impormasyon ng dating empelyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *