Preso nakatakas mula sa Masbate Provincial Jail

SORSOGON CITY – Nakatakas ang isang inmate mula sa Masbate Provincial Jail, Linggo ng madaling araw.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News FM, nakatakas ang preso na si Raffy Gostoer alas 2:00 ng madaling araw mula sa naturang bilangguan sa lungsod ng Masbate.

Hindi naman nagbigay pa ng detalye ang nasabing piitan kung paano nakatakas si Gostoer kung kaya’t kumalat ang maraming haka-haka mula sa mga netizens na ito ay pinatakas dahil gagamitin sa eleksyon.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News sa Women’s Desk ng Uson Police, sinabi nito na ang pugante ay naaresto nila noong buwan ng Agosto, taong 2013 kung saan ang akusado ay 22-anyos lang.

Kinakaharap nito ang kasong rape na may relasyon sa RA 7610 o Child Abuse kung saan ang biktima nito ay isang 16-anyos na ka-barangay lamang.

Ito ay tubong Maynila at napadpad lamang sa kanilang bayan dahil nakapag-asawa sa Brgy Libertad ng nasabing bayan.

Madali umanong makilala ang nasabing pugante dahil may tattoo ito sa leeg na ‘Gostoer at isang star o bituin. Tinutugis na ng mga awtoridad ang nasabing pugante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *