Presyo ng asukal sa pamilihan sa Olongapo tumaas

Tumaas ang presyo ng asukal sa West Bajac-Bajac Public Market sa Olongapo City.

Ito ay dahil mataas na din umano ang bentahan ng mga supplier ng nasabing produkto.

Ang dating nasa 50 pesos na isang kilo ng refined sugar sa WBB Market ay umabot na ngayon ng 64 hanggang 67 pesos at ang wash sugar ay 52 per kilo habang ang brown sugar sa Bagong Palengke ay 46pesos ang kilo.

Samantala, maliban sa asukal ay una nang nagtaas ang presyo ng mantika sa pamilihang bayan ng West Bajac-Bajac.

Mapapansin rin ang pagsipa ng presyo sa ilan pang agricultural products tulad ng karneng manok na naglalaro mula sa 170 hanggang 190 depende sa parte nito maging sa karne ng baboy ay malaki rin ang pagbabago sa presyo base na rin sa price monitoring ng City Agriculture.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 6 people and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *