Presyo ng gasolina sa Camarines Norte mahigit P80 pa rin kasunod ng kapiranggot na rollback sa presyo ng petrolyo

CAMARINES NORTE- Hindi ramdam ng mga motorista ang ipinatupad na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong Martes.

Mahigit P80 pa rin kasi ang kada litro ng gasolina sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa kapiranggot na rollback kumpara sa big time oil price hike noong nakaraang linggo.

Nag ikot ang Brigada News sa mga pangunahing gasoline station dito sa Daet upang alamin ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa Shell Mancruz nasa P82. 89 ang presyo ng V Power gasoline, P81. 79 sa Fuel Save gasoline, P82. 04 sa V Power diesel at P78. 74 naman sa fuel save diesel.

Sa Caltex, P81. 40 sa platinum, P80. 90 sa Silver at P77. 75 naman sa diesel.

Pareho ang presyuhan sa katabi lang nitong Seaoil para sa kanilang Extreme 95, Extreme U at Exceed diesel.

Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang Blue Gasoline 95+, Blue Gasoline 93+ at BlueDiesel.

Hindi rin nagkakaiba ang presyuhan sa Petron Pandan para sa kanilang XCS, Xtra advance at diesel habang P79. 35 naman ang kanilang turbo diesel.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat nitong Phoenix petroleum para sa kanilang Premium, Super unleaded at diesel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *