Presyo ng ilang mga Noche Buena buena items, nagmahal na

Nagbigay ng panibagong price guide ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga Noche Buena products gaya ng hamon, fruit cocktail, pasta, spaghetti sauce, at queso de bola.

Ayon sa DTI, ang suggested retail price (SRP) na 195 mula sa 223 shelf keeping units (SKU) ng noche buena items ay tataas ng 1-10%.

Mula rito, 94 na food products ang inaasahang magkaroon ng price hike nang higit pa sa 10%, 51 items naman ang inaasahang tumaas nang 6-10%, at ang natitirang 50 products ay tataas nang 1-5%.

Samantala, walang nakikitang pagtaas para sa walong SKUs, habang dalawang items naman ang mas bumaba ang presyo.

Dagdag ng ahensya, patuloy sila sa pakikipag-ugnayan sa mga manufacturers kung paano masisiguro na makabibili pa rin ang mga consumers sa abot-kayang presyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *