Presyo ng local vegetables sa Naga, apektado dahil sa init ng panahon- NCPM

NAGA CITY – Apektado ng sobrang init ng panahon ang ilang local vegetables sa Naga City; tumaas ang presyo ng ilan sa mga ito ayon sa pamunuan ng Naga City People’s Mall.

Katulad na lamang ng pechay local na P230.00 na ang isang kilo sa Naga City People’s Mall, tumaas naman sa P10.00 ang sitaw na P80.00 hanggang P90.00 na ang bawat kilo, maging ang ampalaya tumaas rin ang presyo ng bawat kilo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ramon Florendo, Market Superintendent ng NCPM, inaasahan na may kaunting pagtaas pa sa presyo ng ilang gulay lalo na hindi lahat paborable sa init ng panahon tulad na lamang ng okra, repolyo, carrots at ilan pa.

Ayon pa sa opisyal bagamat may ilang pagbabago sa presyo sapat ang suplay sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *