Primewater aminadong nagkakaproblema na sa suplay ng tubig dahil sa El Niño

CAMARINES NORTE – Aminado ang Primewater Camarines Norte na nagkakaproblema na ito sa suplay ng tubig dahil sa tumitinding init ng panahon dulot ng El Niño.

Sa isang pahayag nitong Lunes, April 22, nagdudulot na umano ang El Niño ng pagbaba ng suplay at kalidad ng tubig sa mga kabahayan. Malaki umano ang epekto nito sa proseso at metodolohiyang isinasagawa ng Primewater para sa water treatment dagdag pa ang mataas na demand sa tubig para sa mga emergency tulad ng sunog.

Sa kabila nito, patuloy pa rin naman daw na nagpapatupad ng mga hakbang ang kumpanya para tugunan ang agarang pangangailangan sa tubig sa kanilang mga service area. Humingi rin ito ng pang unawa sa mga mga kunsomidores kasabay ang pagtitiyak na ginagawa nila ang lahat para malagpasan ang problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *