Primewater maglalagay na rin ng Bayad Centers sa mga Barangay simula sa susunod na buwan

CAMARINES NORTE- Inihayag ng pamunuan ng Primewater na maglalagay na ito ng mga satellite payment o Bayad Centers sa Barangay simula sa Abril para mapadali ang pagbabayad ng mga kunsomidores.

Ayon kay Branch Manager Mark Anthony Muroda ilalapit  na ng kumpanya sa mga tao ang proseso ng pagbabayad upang hindi magastusan ng pamasahe at maiwasan ang mahabang pila sa kanilang opisina.

“Ang kagandahan po nito is hindi na po kayo pupunta ng office natin, mamasahae pa, magkano na pong pamasahe ngayon sa tricycle, magko- commute pa kayo, hindi na po, ilalapit na po natin ito,” ani Muroda sa panayam ng Brigada News FM Daet

Kaugnay nito ay hinimok ni Muroda ang sinuman na nagnanais pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa Primewater, tulad ng mga sari- sari store para maging accredited Bayad Centers na makipag ugnayan sa kanilang opisina.

Maglalagay ng Bayad Centers ang Primewater sa Mercedes, San Vicente, Labo, Vinzons at Basud.

Sa mga interesado ay dapat mayroon itong internet connection at Business Permit ang tindahan.

Magkakaroon din umano ng kaunting seminar para pag usapan ang responsibilidad ng magkabilang panig sa MOA.

“Kung merong interested pwede na pong bumisita dito sa office para maturuan namin kayo, ano yung procedures no, para at least hindi na po kailangan pumunta ng Daet pa para magbayad po at makaiwas  tayo sa pila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *