Pasok sa top 9 ang isang graduate ng President Ramon Magsaysay State University sa katatapos lamang na Mechanical Engineering Licensure Examination ng Professional Regulation Commission o PRC.
Ito ay matapos na pumasa sa isinagawang licensure examination ngayong Agosto ang 247 na mga graduate ng engineering course.
Nakuha ni Engr. Earl Jericho Ricalde ng PRMSU Iba campus ang top 9 na may score na 88.05%.
Ayon sa PRMSU, nagpapatunay lamang na hindi pahuhuli ang eskwlehan sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa lalawigan at sa bansa.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: PRMSU