Pro 3, nagdeploy ng limang libong police personnels sa iba’t ibang bahagi ng Central luzon para sa Undas 2022

Nakapagdeploy na ang Police Regional Office 3 o pro 3 ng mga police personnel sa buong Central Luzon.

Ito ay para matiyak ang seguridad sa mga sementeryo at mga transport terminals ngayong undas.

Aabot sa limanglibong police personnels ang ipinadala na sa mahigit anim na raang sementeryo sa rehiyon.

Samantala, ang pagbabantay ng pulisya sa mga naturang lugar ay sinimulan noong sabado at tatagal hanggang sa huwebes, November 3.

–BNFM OLONGAPO- ARJAY SUPE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *