PRO- 5, magpapatupad ng hakbang seguridad kontra sa mga kilos protesta sa rehiyon

BNFM BICOL – Magsasagawa ng hakbang seguridad ang Police Regional Office 5 o PNP-Bicol upang maiwasan ang mga kilos-protesta at kaguluhan na pwedeng makagambala sa katahimikan ng rehiyon matapos ang Halalan.

Sa pamumuno ni PBGen Mario A. Reyes – Regional Director ng PRO 5  ipapatupad ng kapulisan ang operational plan na ‘Bicol Shield’ bilang tugon upang makontrol ang mga posibleng kaguluhan bago ang proklamasyon ng mga kandidato ng National and Local Elections 2022.

Ang Oplan Bicol Shield ay bubuuin ng mga contingents na dati nang ideneploy sa mga iba’t ibang polling precincts.

Dagdag pa nito, ang Reactionary Standby Support Force ng Police Provincial Offices at ng Naga City Police Office ay dapat ding magtatag ng kanilang mga ‘contingents’ para sa deployment kung kinakailangan.

Kasabay nito, walang humpay ang PRO5 sa paglulunsad ng mga ‘strategic control point’ sa mga pangunahing lansangan at pangunahing ruta upang tanggihan ang pagdaan ng mga Left-Leaning Organizations (LLOs) at mga cause-oriented group na patungo sa Maynila at mula sa mga natukoy na rallying point sa rehiyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *