PRO3 Director Pasiwen handang sumailalim sa masusing evaluation kasunod nng naging panawagan ni DILG Sec Abalois na magbitiw lahat ng generals at colnel

Handang magpasailalim sa masusing evaluation, si Police Regional Director Cesar Pasiwen, kasunod ng panawagan kahapon ni DILG secretary Benhur Abalos, na submit ng courtesy resignation ang lahat ng generals at full pledge colonel sa Philippine National Police.

Sa statement na ipinadala ni Pasiwen sa Brigada News FM, sinabi nitong handa syang humarap sa evaluation process para maalis ang anumang duda o haka haka sa kanilang service intergrity at reputasyon.

Sinabi rin nitong suportado nya ang layunin ni secretary Abalos na malinis ang hanay ng pulisya mula sa mga police scalawags lalo na ang mga sangkot sa illegal na droga.

Maalalang sa ipinatawag na command conference kahapon ni Abalos, pinag reresign nito ang mga generals at colonel bilang bahagi umano ng internal cleansing sa pambansang pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *