Proper food handling and storage, muling binigyang diin ng MHO Camaligan ngayong kaliwa’t kanan ang kainan; sobrang kain o pag-inom alak, ipinaalala

NAGA CITY – Muling binigyang diin ng Municipal Health Office Camaligan, Camarines Sur, ang tama o proper food handling and storage, gayong kaliwa’t kanan pa rin ang kainan lalo na ngayong ilang araw na lang bagong taon na.

Sa panayam kay Dr. Nonoy Severo, MHO Head ng bayan, sa ganito kasing mga panahon uso ang pagbabalot ng pagkain o pag-uuwi ng pagkain, lalo na’t ang isang pagkain katulad ng spaghetti umaabot din ng isang araw, kung kaya’t, paalala nito iwasan sana, kung hindi man, lutuin ng maagi o initin ng maayos, iimbak ng maayos upang maiwasan na makontamina na maaari pang magdulot ng pagkalason.

Maliban pa rito pinaalalahanan na rin ang lahat lalo na ang mga may sakit na o nagme-maintenance na, iwasang sumobra sa kain lalo na ng mga pagkaing ipinagbabawal sa kanila at higit sa lahat iwasan na rin ang pag-inom ng alak o huwag magpakasasa, dahil maaaring sumaya nang hindi nagkakaproblema sa kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *