Provincial Dep Ed, nagpaalala sa mga paaralan na mahigpit na ipatupad ang No collection policy.

Muling pinaalalahan ng Provincial DepEd ang mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Palawan na mahigpit na ipinatutupad ang No Collection Policy.

Ayon kay School Division Superintendent Roger Capa, ito ay ang mahigpit tagubilin ng kanilang departmento at kung sino man ang lumabag dito ay pwedeng ireklamo o kasuhan ng administratibo.

Dagdag pa ni SDS Capa, kung sakaling napag-usapan o napagkasunduan sa Parents Teacher’s Association o PTA hindi rin dahilan ang hindi pagbayad na kung ano man na parahindi ibigay ang mga card o mga nirerelease ng mga paaralan.

Samantala, kung mayroong kahalintulad na suliranin kaugnay sa mga bayarin sa mga pampublikong paaralan ay maaari naman ipagbigay alam agad sa opisina ng Provincial DepEd.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *