PRRD, nanindigang di magpapadala ng mga sundalo sa Ukraine

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na habang siya ang presidente ng bansa ay hinding-hindi ito magpapadala ng mga Pilipinong sundalo sa isang war-torn country kahit pa i-request ito ng Estados Unidos.

Inihayag ito ng Pangulo sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa Commander-in-Chief, posibleng mag-spillover lamang ang giyera kung magpapadala ito ng sundalo sa Ukraine.

Ipinunto rin niya na ang mga scientists na ang nagsabi na magiging katapusan ng mundo kung gagamit ng nuclear ang mga nag-aaway na bansa.

Iginiit niya na magsasakripisyo ang planeta sa loob ng mahabang panahon dahil sa radioactivity kung saan ay imposible ang pagtatanim ng kahit ano na dahilan para masawi ang marami dahil sa gutom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *