Publiko binalaan sa mga sakit na nakukuha sa tubig baha

NAGA CITY –Hindi lang ang dengue ang panganib na dala ng tubig-baha kundi maging ang skin infections at skin diseases na mayroon ngayon sa ilang pasyente na nagpapa check-up sa Naga City Health Office.

Kabilang na rito ang leptospirosis na mula sa dumi at ihi ng mga daga maging iba panghayop, alipunga na very common at ilang problema sa balat lalo na sa may sugat.

Mag-ingat sa tubig-baha ang publiko. Ito ang babala ni Dr. Ronnel Mejaro, Medical Officer III at siya ring Epidemiology and Disease Surveillance Officer ng City Health Office, kaugnay sa nangyayaring pag-uulan ngayon.

Sa kaniyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Dr. Mejaro na kayang  maiiwasan ang ganitong mga skin problems , kailangan lamang na magsuot ng bota at kung may sugat sa paa, iwasan na ang baha.

Agad naman nilang binibigyan ng gamot ang pasyente nilang may ganitong idinadaing na sugat, kung wala may reseta silang binibigay para bilhin na lamang ang gamot sa alinmang botika sa lungsod.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *