Publiko pinag-iingat sa paglabas ng ahas ngayong tag-ulan

NAGA CITY- Pinag-iingat ang publiko ng Department of Health-Camarines Sur sa ahas ngayong tag-ulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Rey Millena, sinabi nitong bukod sa dengue at iba pang sakit kapag tag-ulan lumalabas ang ahas dahil napupuno ng tubig ang kanilang tirahan.

Pagpupunto pa nito, dapat sinisikap din ng mag rural health units o municipal health Offices na may stock ng anti venom upang madugtungan pa ang buhay ng nakagat.

Una nang sinabi ng Bicol Medical Center Poison Control Department na wala pa silang supply ng anti venom pero hindi sila tumitigil na makipag coordinate sa Research Institute for Tropical Medicine.  Kung matatandaan huling nangailangan nito ang 4-anyos na batang residente ng Tigaon at nakakuha sa RITM sa Alabang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *