Pulis- Camarines Sur, timbog sa drug buy bust operation

NAGA CITY – Timbog sa Buy Bust Operation ang isang aktibong miyembro ng PNP Camarines Sur.

7:30 Lunes ng umaga , Agosto 8, 2022 nang ikasa ang operasyon sa Brgy. Hibago, Ocampo pagkatapos na mabilhan ng pinaniniwalaang shabu ng isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  ang suspek na si PCMS Romeo Penolio Jr. Ayon sa operatiba assigned sa Camarines Sur Police Provincial Office o CSPPO ang subject. 

Naging magkakatuwang sa operasyon ang PDEA CamSur,  PNP-IMEG at Ocampo Municipal Police Station.

Napag-alaman nang Brigada News FM Naga na isang linggo itong minanmanan nang mga otoridad dahil sa illegal na transaksyon.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang pakete na may lamang shabu na tumitimbang nang 10 gramo, isang baril na glock 17 at isang lanseta.

Nakasaad sa ulat ng PNP na si Penolio ang itinuturong protektor ng mga Drug Personality sa bayan, ito ay ayon na rin sa mga naunang nahuli ng PNP na sangkot sa illegal na droga.

Sinubukan ng BNFM na kunin ang pahayag ng suspek pero tumanggi na ito matapos sabihing hindi kaniya ang item.

Ayon kay PLt. Sheralyn Samonte , taga pagsalita ng PNP Camarines Sur, hindi nila kokonsintihin ang ganitong mga gawain, kinumpirma ring minomonitor ito ng kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *