Pura Luka Vega, idineklarang persona non grata sa Batangas City

Idineklara na ring ‘persona non grata’ sa lungsod ng Batangas ang drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala sa tawag na “Pura Luka Vega”.

Ito ay matapos na maipasa ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon na nagdedeklarang persona non grata sa viral drag artist.  

Ayon kay City Councilor Boy Dimacuha na siyang nagpasa ng resolusyon sa SP, mali ang ginawang performance ni Vega.

Aniya, inabuso ng drag artist ang ‘freedom of expression’ na para sa kanya’y dapat limitado.

Nag-ugat ang deklarasyon sa viral na pagtatanghal ni Vega sa isang bar kung saan sumasayaw ito ng remix ng “The Lord’s Prayer” o “Ama Namin” habang naka-costume ng Itim na Nazareno.

Sa Southern Luzon, unang idineklara bilang persona non grata si Vega sa lalawigan ng Laguna at Occidental Mindoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *