Rabies awareness month ngayong Marso, inanunsyo ng Sorsogon PHO

SORSOGON CITY – Ngayong buwan ng Marso ipinagdiriwang din ang rabies awareness month na pinangungunahan ng lokal na ahensyang pangkalusugan sa lalawigan ng Sorsogon.

May temang “Rabies Free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino” ang pagdiriwang ngayong taon, ayon sa Sorsogon Provincial Health Office (PHO).

Sa programang media dialogue ng Department of Health-5, pinaalala ni Nurse Aida Ruby D. Jeremias, Rabies Program Coordinator, na isang nakakahawang sakit ang rabies dala ng virus.

Karaniwang nakukuha umano ito sa laway ng mga alagang aso at pusa o kaya ng mga stray animals kapag nakakagat o nadidilaan ang sariwang sugat ng rabies infected na hayop.

Binigyang diin nya na 100 porsyentong fatal daw ang rabies infection, ngunit 100 porsyento rin naman umano itong maiiwasan.

Sa post exposure prophylaxis naman, karaniwang apat dosis ang kinakailangan umanong makumpleto pagkatapos makagat ng hayop. Huwag naman daw mag-aatubiling dumulog sa health center para sa agarang tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *