Raliyesta sa Sudan binomba ng tear gas, marami inaresto

Binomba ng tear gas ng Sudanese security forces ang mga protesters sa capital city na Khartoum.

Ayon sa report, inaresto at ikinulong din ng Sudanese forces ang mga guro na sumama sa mga protesta.

Nagbarikada at nag-overnight ang mga demonstrador kung saan plano nilang magsagawa ng civil disobedience laban sa mga nagsagawa ng kudeta noong nakaraang buwan.

Pilit na iginigiit ng mga protesters ang pag-step back ng military government para bigyang daan ang mapayapang transition sa civilian rule.

Samantala, nananatili namang naka-house arrest ang civilian Prime Minister na si Abdalla Hamdok.

Una nang pinawalang bisa ng coup leader na si Gen. Abdel Fattah al-Burhan ang civilian arm ang government power-sharing agreement kung saan inaresto ang mga civilian leaders at idineklara ang state of emergency

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *