Raliyistang mga kabataan, sinasamantala ng mga pulitiko – Danao

Iginiit ng Philippine National Police na minamanipula lamang ng ilang mga pulitiko at iba pang may interes ang kabataang mga nagsasagawa ng mga kilos-protesta.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao na naniniwala siyang nadadala lamang ng bugso ng damdamin ang mga kabataang nagra-rally.

Sinasamantala raw kasi ang pagiging bata ng mga ito, ng mga pulitikong nais guluhin ang gobyerno.

Dahil dito, muling nakiusap si Danao sa mga nanalong kandidato na pagkaisahin ang mga Pilipino dahil mayroon naman nang nanalo sa halalan.

Umapela rin ang hepe ng PNP sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang mga ipo-proklamang lider para patunayan ang kanilang mga sarili.

Sa kabila nito, nagbabala si Danao sa mga magra-rally na ipa-aaresto niya ang mga ito lalo na kung nagdudulot na ito ng perwisyo lalo na sa trapik at paninira ng mga public properties.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *