Ramos, umaasa ng malaking crowd sa sixth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers

Umaasa si Dwight Ramos na marami ang manonood sa Philippine Arena sa oras na maglaro ang Gilas Pilipinas sa sixth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers sa susunod na taon.

Mababatid na maghohost ang Pilipinas sa Lebanon sa February 24 at ang Jordan naman sa February 27 sa malaking venue sa Bocaue, Bulacan, na mayroong seating capacity na 55,000 fans.

Mababatid na natalo ang Gilas Pilipinas sa magkadikit na laban sa Lebanon sa iskor na 85-81, sa fourth window ng qualifiers noong August 25.

Sa larong iyon, nag-ambag si Ramos ng 18 puntos at 10 rebounds

Sa ngayon, ang Gilas ay mayroon nang 5-3 win-loss record sa Pool E, matapos matalo ang Jordan at Saudi Arabia sa fifth qualifying window. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *