Region 2, isinailalim sa alert level 4 – DOH

Isinailalim ang buong Region 2 sa Alert Level 4 o High Risk Epidemic Classification dahil sa COVID 19 maging ang City of Ilagan, Tuguegarao City at Cagayan Province.

Batay ito sa inilabas na datos ng DOH Region 2 kahapon, August 8, 2021.

Ito ay makalipas tumaas ang bilang ng naitatalang aktibong kaso sa mga nasabing lugar sa nakalipas na dalawang linggo.

Samantala, nananatili naman sa Alert level 3 o Moderate Risk Epidemic Classification ang lalawigan ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at maging ang Santiago City at Cauayan City.

Mula naman sa Alert level 3 ay bumaba sa Alert level 1 o Minimal Risk Epidemic Classification ang Batanes.

Samantala, naitala pa rin ng DOH ang community transmission sa mga lugar ng Solano, Nueva Vizcaya; Tuguegarao City, Cagayan; Aparri, Cagayan; Baggao, Cagayan; City of Ilagan, Isabela; Cauayan City, Isabela; Santiago City; Tumauini, Isabela; Cabagan, Isabela; at Maddela, Quirino.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung umabot na sa mahigit 70% ang bed occupancy ng mga ospital sa isang probinsya kahit pa ito ay may mababang quarantine classification ay pasok sa “Alert level 4”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *