Register anywhere program ng Comelec nagsimula na

Nagsimula na ang voter registration sa ilang bahagi ng bansa kahapon.

Sinimulan na rin ang register anywhere program ng Commission on Elections.

Sa ilalim nito makikipagtulungan ang Comelec sa mga mall, paaralan,  pribadong kumpanya, government offices at iba pang establisyimento para doon gawin ang voter registration.

Pinasimple na ang voters registration dahil isang pahina na lang ang form na dati ay na anim.

Kailangan lang magpresenta ng valid id o student id sakaling wala nito pwedeng magsumite ng barangay certification na nagpapatunay na residente ng isang lugar.

Bawal ang sedola, company id at bawal rin ang paulit-ulit na pagpaparehistro.

Paglabag ‘yan sa omnibus election code na may karampatang kulong at multa.

Samantala, magtatagal ang voters registration hanggang September 30, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *