Rehistradong behikulo ng mga transport group sa bayan ng Bulan nakatakdang tumaggap ng apat na gulong bawat taon

Bukod sa Christmas Party sa darating na ika-10 ng buwan ng Disyembre, makakatanggap na rin ng apat na gulong kada taon ang lahat ng mga rehistradong behikulo sa bayan ng Bulan.

Ito ang pangunahing naging paksa  sa ipinatawag na dayalogo ng alkalde ng nasabing bayan kasama ang mga miyembro ng transport sectors, kinabibilangan ito ng mga drivers at operator ng tricycle, pedicab, e-trike, mga miyembro ng TODA pati na rin ang mga drivers at operator ng mga pampasaherong jeep.

Ang nasabing inisyatiba ay bilang bahagi ng pasasalamat ng LGU sa suporta ng nasabing mga transport groups sa mga programa ng lokal na pamahalaan at pagbibigay halaga na rin sa importanteng papel na ginagampanan ng mga ito sa lokal na komunidad ng bayan ng Bulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *