Relocation ng poste ng kuryente sa ilang Barangay sa bayan ng Basud hiniling sa Canoreco

CAMARINES NORTE- Hiniling ng Sangguniang Bayan ng Basud sa Camarines Norte Electric Cooperative na ma- relocate ang mga poste ng kuryente sa ilang barangay sa labas ng Road- Rigth of way.

Batay sa draft resolution ni  Councilor Jose Mari Ayton, Chairman ng Committee on Public Utility sa Sangguniang Bayan kapansin- pansin na ang mga poste ng kuryente ng secondary power lines partikular sa Tacad, Hinampacan at kahit sa iba pang barangay ay nasa loob ng road right of way na nagiging dahilan para malagay sa panganib ang buhay ng mga motorista at obstruction din sa road widening projects sa hinaharap.

At dahil nasa ilalim ng supervision at pamamahala ng Canoreco ang mga poste ng kuryente ay marapat lamang umano na direktang ipa-abot dito ang lahat ng related concerns sa installations, pagtanggal at relocation.

Ang naturang draft resolution ay naka- address kay General Manager Zandro Gestiada.

Bukod dito, nagpasa rin ng hiwalay pang resolusyon si Ayton na humihiling sa General Manager ng Canoreco para sa extension ng secondary power line sa Sitio Ragpas Barangay San Jose sa naturan pa ding bayan.

Gumagamit kasi ngayon ng napakahabang service drop ang mga residente para lang maka- connect sa pinakamalapit na poste.

Nagbakbak o natutuklap na rin at exposed na ang iba sa paglipas ng ilang taon na itong ginagamit at bunsod rin ng pabago- bagong lagay ng panahon dagdag pa ang pinsalang idinulot ng bagyo..

Nakalawit na rin daw ang mga linya na maaaring maging dahilan para manganib ang buhay ng mga residente lalo na ngayong panahon ng tag ulan.

Matagal na umanong kahilingan ng mga residente ng Sitio Ragpas na ma- extend ang power lines sa kanilang lugar.

Nakasaad din sa draft resolution na ang naturang lugar ay “economically” potential at angkop para sa anumang agriculture development projects.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *